Jones vs Cormier sa UFC 200
MANILA, Philippines - Pinalitan ng Ultimate Fighting Championship ang kinanselang Connor McGregor bout sa pamamagitan ng inaabangang rematch nina Jon “Bones” Jones at Daniel Cormier bilang main event ng UFC 200 sa July 10 (Phl time).
Ito ang official announcement ng UFC ilang araw pa lamang matapos dominahin ni Jones si Ovince Saint Preux via unanimous decision sa una niyang laban makaraang tanggalan ng suot na light heavyweight title noong nakaraang taon.
Nauna nang tumanggi si McGregor na lumahok sa promotional activities para sa UFC 200.
Sumikat si McGregor matapos ang kanyang sensational knockout victory kay dating UFC champion Jose Aldo ng Brazil noong 2015.
Idineklara pa niya sa kanyang Twitter account na retirado na siya bago nag-iba ng kanyang isip at sinasabing handa na siyang sumalang sa UFC200.
Ngunit hindi siya pinagbigyan ni UFC president Dana White.
“Competitively, I respect what he’s done. He beat me, so I do want to fight him again,” sabi ni Cormier kay Jones sa panayam ng UFC.com.
Kasalukuyang hawak ni Jones (22-1) ang interim championship matapos talunin si Saint Preux ay matagumpay niyang naidepensa ang kanyang titulo.
Tinalo na ni Jones si Cormier sa UFC 182 noong nakaraang taon.
Tiniyak ni Jones na muli niyang tatalunin si Cormier kasabay ng pagbawi sa kanyang korona.
“I thought DC’s (Cormier) last two fights were great. He did great. I don’t question DC’s ability to beat everyone else, he’ll just never beat me,” ani Jones. (JV)
- Latest