^

PM Sports

Sen. Escudero hangad matanggal ang ‘palakasan system’ sa sports

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dapat nang mawala ang ‘palakasan system’ sa Philippine sports para makamit ang kauna-una­hang gold medal sa Olympic Games.

Ito ang matapang na pahayag ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero kasabay ng kahilingang maging bukas sa lahat ng atleta ang National Games para matulungan ang Philippine Sports Commission (PSC) at mga National Sports Associations sa pag­hahanap ng mga ba­tang atleta.

Sa harap ng mga es­tud­yante at faculty sa kan­yang pagbisita sa San Beda College, sinabi ni Escudero na dapat pa­lakasin ng PSC ang ka­nilang tatlong grassroots development programs.

Ang mga ito ay ang Batang Pinoy, Palarong Pambansa at ang Philip­pine National Games.

“These events are of­ten­times overlapping in terms of participants, but emphasis should be given to the PNG especially since it should give equal opportunities to athletes who want to prove their mettle,” wika ni Escude­ro.

Ayon pa sa Senador, ito na ang panahon para makamit ng bansa ang kauna-unahang gintong me­dalya sa Olympics na idaraos sa Rio de Janeiro sa Brazil sa Agosto.

“Ni minsan hindi ta­yo nakatikim ng gold me­dal mula sa Olympics. Ma­rapat at dapat, huwag na nating paabutin ng 2020 na magkaroon tayo ng gold medal mula sa Olympics,” pahayag ni Es­cudero.

Ipinanukala niyang mag­karoon ng selection process para sa mga atleta sa pamamagitan ng open competition at maalis ang “palakasan system” sa loob ng mga NSAs na nagreresulta sa mga ma­sa­samang kampanya sa in­ternational sports competition.

“Isa sa mga solusyon at paraan para magawa ‘yun, open competition sa sinumang ipapadala natin para mag-compete sa anumang International Games. Hindi palakasan sa NSA, hindi depende kung sino ang kakilala mo,” ani Escudero.

Nauna nang sinabi ng Senador na susuportahan niya ang mga atletang lalahok sa mga Olympic qualifying events.

Kabilang dito sina bo­xers Clark Bautista, Felix Eumir Marcial at Roger Ladon, weightlifters Hi­dilyn Diaz at Nestor Co­lonia, pole-vaulter EJ Obiena at ang Filipino-Ame­rican BMX rider na si Daniel Caluag.

Samantala, tinuligsa naman ni Escudero ang Phi­lippine Olympic Com­mittee dahil sa pag­pa­padala nito ng mas ma­raming bilang ng mga opisyales kesa sa atleta sa mga international sports events.

Ang POC ay pinamu­munuan ni Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr., ang tiyu­hin ni Pangulong Aquino.

“Sa kasaysayan ng SEA Games at ng Olympic Games, palaging mas maraming ipinapadalang opisyal ang Pilipinas kesa atleta,” ani Escudero, ang nangungunang vice-pre­si­dential candidate, sa li­derato ni Cojuangco.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with