Nag-improve si Cray
MANILA, Philippines – Patuloy na nag-i-improve si Fil-Am hurdler Eric Shaun Cray sa kanyang preparasyon para sa Rio Olympics matapos ang kanyang solid performance sa World Tour sa Karlsruhe, Germany kamakailan.
Muntik nang naabot ni Cray, ang tanging Pinoy na nakakasiguro sa Rio de Janerio Olympics sa ngayon matapos maabot ang Olympic qualifying standard sa 400-meter standard sa isang torneo sa Los Angeles noong nakaraang taon, ang Southeast Asian Games 60m dash record matapos magtala ng 6.60 seconds, ayon sa pinoyathletics.info.
Tumapos Cray na fifth placer sa likod ng nanalong si Michael Rodgers ng US sa oras na 6.52 at 2003 century dash world champion Kim Collins ng St. Kitts and Nevis sa oras na 6.54.
Nagtabla sa third place sina Americans Trell Kimmons at Joseph Morris sa tiyempong 6.58.
Naunahan ni Cray si Dutch Churandy Martin, pumasok sa finals ng 100-m and 200-m sa 2008 Beijing Olympics sa China at noong 2012 London Olympics sa England.
Ayon sa pinoyathletics.info, hinigitan ni Cray ang kanyang 6.66-second performance sa New Mexico noong nakaraang buwan at muntik pa niyang maabot ang kanyang sariling SEAG at Phl record na 6.57m.
Ang mga kompetisyong ito ay bahagi ng preparas-yon ni Cray na nakatakda namang lumahok sa Asian Indoors sa Doha, Qatar ngayong buwan. (JV)
- Latest