^

PM Sports

Curry naasahan uli ng Golden State

Pang-masa

OAKLAND, California - Nagpasabog si Stephen Curry ng 26 points, habang nagdagdag si Harrison Barnes ng 19 at dumiretso ang Golden State Warriors sa kanilang pang-41 sunod na regular-season home game sa pamamagitan ng 116-108 paggupo sa Oklahoma City Thunder.

Nag-ambag si Klay Thompson ng 18 points para sa ika-siyam na dikit na arangkada ng Warriors (46-4) at pantayan ang nailista ng 1966-67 Philadelphia 76ers para sa best record matapos ang 50 games.

Tatlong panalo na lamang ang kailangan ng Golden State para madup-lika ang ginawa ng Chicago Bulls (1995-96) na pinakamahabang home winning streak sa NBA history.

Pinamunuan naman ni Kevin Durant ang Thunder sa kanyang 40 points at 14 rebounds at kumolekta si Russell Westbrook ng 27 points at 12 assists.

Napigilan ang limang sunod na arangkada ng Oklahoma City, nauna nang naipanalo ang 12 sa kanilang huling 13 laro.

Sa Houston, humataw si Damian Lillard ng 21 points at 10 assists para tulungan ang Portland Trail Blazers sa 96-79 paggiba sa Rockets.

Nagtato ang Trail Blazers ng 19-point lead sa halftime at iniskor ang unang anim na puntos sa third quarter para iwanan ang Rockets sa 61-36 sa 10 minuto sa nasabing yugto.

Umiskor si James Harden ng apat na sunod na puntos para sa Houston.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with