^

PM Sports

Bradley iniligtas ang Boston

Pang-masa

CLEVELAND –– Nagpakawala si Avery Bradley ng corner jumper sa pagtunog ng buzzer upang ihatid ang Boston Celtics sa 104-103 panalo kontra sa Cleveland Cavaliers.

Tumira si Bradley sa tapat ng bench ng Boston bago naubos ang oras na nagbigay sa Celtics ng kanilang ikawalong panalo sa 9-laro.

Naghabol ang Boston ng limang puntos sa huling 18-segundo ng laro bago umiskor si Celtics forward Jae Crowder ng tres na tangi niyang score at nagtala naman si Evan Turner  ng layup kasabay ng foul ni J.R. Smith, 4-segundo na lamang.  Nagmintis si Turner sa kanyang free throw  ngunit nakawala sa mga kamay ni LeBron James ang bola.

Naghanda si Boston coach Brad Steven  ng inbounds play na nakita sa video review at naipasok ni  Bradley ang kanyang tira para magdiwang ang kampo ng Celtics.

Pinangunahan ni James ang Cavs sa kanyang 30 points.

Sa Dallas, umiskor si Kawhi Leonard ng 16 sa kanyang 23 points sa first half at dumiretso ang Spurs sa 116-90 pagpapatumba sa Mavericks.

Nag-ambag si LaMarcus Aldridge ng 14 points at 10 rebounds sa una niyang laro sa kanyang hometown matapos lumagda ng isang four-year, $80 million contract sa Spurs.

Dinuplika ng San Antonio (42-8) ang kanilang best 50-game start sa pagkubra sa pang-14 panalo sa huling 16 laro laban sa kanilang Texas rival.

Tumipa naman si Patty Mills ng 10 sa kanyang 16 points bago ang halftime nang kunin ng Spurs ang 36-point lead, 62-26.

Ito naman ang pang-anim na laro na ipinahinga ni Tim Duncan dahil sa pananakit ng kanyang kanang tuhod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with