Warriors ipagpapatuloy ang ratsada
PHOENIX -- Sa mga inaasahang panalo sa mga susunod nilang laro sino nga ba ang pipigil kay NBA MVP Stephen Curry at sa nagdedepensang Golden State Warriors?
“Hopefully, nobody. But we will see,” sabi ni Warriors forward Draymond Green.
Ipinoste ng Golden State ang record na 16-0 panimula matapos talunin ang Los Angeles Lakers, 111-77, noong nakaraang Martes.
Ang susunod na 12 laro ng Warriors ay laban sa mga hindi masyadong malalakas na koponan.
Ang unang apat nilang makakaharap ay ang mga koponang hindi nakapasok sa nakaraang NBA Playoffs.
Ito ay ang Phoenix Suns, Sacramento Kings, Utah Jazz at ang Charlotte Hornets.
Ngunit ang pinakamalaking hamon para sa Golden State ang pagharap nila sa Toronto Raptors sa Disyembre 5.
Nauna nang tinalo ng Warriors ang Raptors, 115-110, noong Nobyembre 17.
“We probably won’t go 82-0 and we probably will lose a couple games in the playoffs, but if we develop the habits and continue to focus on details of how we are winning these games, those will all come out when they need to, to get us out of any holes that we are in or any stagnant stretch we see,” sabi ni Curry.
Sinabi naman ni Warriors interim coach Luke Walton na ang kanilang winning streak ay maaaring makagulo sa isipan ng kanyang mga players.
Ngunit nagamit na niya ito para sa kanilang bentahe.
Sinabi ni Walton, pansamantalang humalili kay head coach Steve Kerr, na ginamit ng Warriors ang kanilang 16-game win mark bilang isang “mini goal.”
“We went by and congratulated each player,” sabi ni Walton matapos ang nasabing record win. “What they did there, they are in the history books. We also reminded them that it’s November and there will be a lot more work to do.”
Ang ultimate winning streak ay nangyari noong 1971-72 nang kumamada ang Lakers ng 33 sunod na panalo.
“They could do it because they are good enough,” sabi ni Lakers’ superstar Kobe Bryant sa Warriors.
- Latest