^

PM Sports

Lady Eagles patuloy ang paglipad

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ginamit ng Ateneo Lady Eagles ang aspeto na dapat na malakas ang FEU Lady Tamaraws, ang depensa para kunin ang madaling 25-19, 25-14, 25-18 straight sets win upang manatiling ma­linis ang record sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May dalawang blocks si Kim Gequillana para du­rugin ng Lady Eagles ang Lady Tamaraws sa blocks, 5-0.

May 16 excellent digs sa 43 attempts ang libero na si Ella De Jesus upang mapigil ang mga kamador ng FEU na bumaba sa 4-2 karta.

Tumapos si Alyssa Valdez taglay ang  15 puntos mula sa 13 kills at tig-isang block at service ace, habang sina Jhoan­na Maraguinot at Amy Aho­miro ay mayroong 11  at 9 puntos.

Naghati ang dalawang spikers sa 14 attack points para bigyan ang Ateneo ng 38-25 bentahe.

Ang huling laro ng Ate­neo ay laban sa Natio­nal University Lady Bulldogs sa Setyembre 6 para mapapanatili ang winning momentum papasok sa Fi­nal Four.

Si Jovelyn Gonzaga ay may 11 puntos na lahat ay sa atake ginawa, ngunit si Bernadeth Pons ang su­munod na scorer para sa nagdedepensang kampeon tangan lamang ang li­mang puntos.

Kailangan ngayon ng FEU na manalo sa hu­ling laro kontra sa UST Tigresses sa Setyembre 5 para dumiretso sa semifinals.

May posibilidad na mag­karoon ng playoff pa­ra sa ikaapat at huling pu­westo sa Final Four ma­tapos magwagi ang Arellano Lady Chiefs la­ban sa talsik nang La Salle-Dasmariñas Lady Pat­­riots sa ikalawang laro, 25-20, 25-17, 25-15.

Naghatid si Menchie Tubiera ng walong kills, tatlong aces at dalawang blocks para umakyat ang Lady Chiefs sa 3-3.

Kailangang manalo ang Arellano sa huling asig­natura laban sa St. Be­nilde Lady Blazers sa Setyembre 5 at manala­ngin na isa sa UST, FEU at pahingang NU ay matalo sa kanilang huling da­lawang laro para ma­ka­­tabla sa ikaapat na puwesto.

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

AMY AHO

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

LADY

LADY TAMARAWS

PARA

SETYEMBRE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with