^

PM Sports

Ateneo Lady Spikers target ang ika-4 win

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dugtungan sa apat ang pagpapanalo ang balak ng Ateneo Lady Eagles sa pagharap sa malakas na St. Benilde Lady Blazers sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi man masyadong ibinababad sa laro ang star player na si Alyssa Valdez ay tinalo pa rin ng Lady Eagles ang mga koponan ng UST Tigresses, San Sebastian Lady Stags at La Salle Dasma-Lady Patriots upang pangunahan ang Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Ang makukuhang panalo sa Lady Blazers sa ganap na ika-12:45 ng hapon sagupaan ang opisyal na magpapasok sa Ateneo sa quarterfinals bagay na tiyak na hindi magiging madali lalo pa’t determinado rin ang St. Benilde na makapasok sa quarterfinal round.

Wala naman nakikitang problema ang Arellano Lady Chiefs sa pakay nitong umabante na rin dahil ang katipan sa larong magsisimula dakong alas-3 ng hapon ay ang wala pang panalong University of Batangas Mighty Brahmans.

Nasa 3-way tie ang Arellano, National University Lady Bulldogs at UP Lady Maroons sa 2-1 baraha habang ang Lady Tamaraws ang siya pa lamang nakatiyak ng puwesto sa quarterfinals sa Group A sa 3-0 karta.

Balikatan din ang ikatlong laro dakong alas-5 ng hapon sa hanay ng Lady Stags at Lady Patriots dahil sa kahalagahan ng makukuhang panalo.

Kakapitan ng Lady Stags ang mahalagang ikaapat na puwesto kung sila ang papalarin habang makakaiwas sa agarang bakasyon ang Lady Patriots kung sila ang mananalo.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

COLLEGIATE CONFERENCE

GROUP A

GROUP B

HOME ULTERA

LADY

LADY PATRIOTS

LADY STAGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with