^

PM Sports

Fresh Fighters iiwas na malagay sa ilalim sa pagharap sa Liver Marin sa Foundation Cup

ATan - Pang-masa

Laro Ngayon (JCSGO Gym)

11 a.m. – Tanduay Light vs AMA University

1p.m. – ATC Liver Marin vs Hapee

MANILA, Philippines – Iiwas ang Hapee Fresh Fighters na malagay sa huling puwesto sa pagharap sa ATC Liver Marin sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

May 0-1 baraha ang Aspirants’ Cup champion na Fresh Fighters at balak nilang hindi na palawigin ang losing slump sa pag-asinta ng panalo laban sa baguhang Liver Marin sa tampok na laro sa ala-1 ng hapon.

Unang laro sa alas-11 ng umaga ay sa hanay ng Tanduay Light Rhum Masters at AMA University Titans.

May 1-1 karta ang Rhum Masters at ang Titans para makasalo sa limang koponan na nasa ikatlong puwesto kasunod ng Cebuana Lhuillier Gems at Ke­ra­Mix Mixers na may 3-0 at 2-1 karta.

Inaasahang magi­ging mahigpitan ang ta­gisang ito lalo pa’t ang dalawang koponan ay pa­rehong may sinasan­da­lang manlalaro.

Isa sa sisipating manlalaro ay si Jay-R Taganas na humablot ng 29 rebounds sa tinamong 70-75 pag­katalo ng koponan sa Cagayan Valley Rising Suns.

Inaasahan na gagamitin ng Hapee ang angking karanasan bilang kampeon sa Aspirants’ Cup para pag-initin ang paghahabol sa ikalawang sunod na kam­peonato sa liga.

Sina Earl Scottie Thompson, Chris Newsome at Troy Rosario ang mga magdadala sa Fresh Fighters pero makakatulong ng malaki kung ma­nu­numbalik na ang galing ni Bobby Ray Parks Jr. na nakabangon na mula sa shoulder injury.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOBBY RAY PARKS JR.

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CHRIS NEWSOME

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FRESH FIGHTERS

HAPEE

LIVER MARIN

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with