Fight of my life-- Pacquiao
MANILA, Philippines – Itinuring ni Manny Pacquiao ang kanyang boxing showdown kay Floyd Mayweather, Jr bilang “the fight of my life” sa kanyang pag-eensayo sa Wild Card Boxing Club sa Los Angeles, California.
Kasalukuyan nang nasa maigting na paghahanda ang eight-division world champion para sa kanyang May 2 fight matapos dumating mula sa Pilipinas.
Noong Lunes ay tumakbo si Pacquiao ng two miles (3.2 km) at nag-shadow-boxed ng two rounds kasunod ang abdominal work at almusal na kanin, scrambled egg, isda at tinola.
Matapos umidlip at mananghalian ay dumiretso siya sa Wild Card Gym ni trainer Freddie Roach na off-li-mits sa mga fans at media sa kanyang training.
“I will prepare hard for this fight to give the boxing fans the kind of entertainment they want. This is what I consider the real fight of my life,” sabi ni Pacquiao.
Lalabanan ni Pacquiao (57-5-2, 38 knockouts) si Mayweather (47-0-0, 27 knockouts) sa Las Vegas.
Ayon sa mga reports, paghahatian nila ang halos $200 milyon mula sa kanilang welterweight clash.
Humingi siya ng paumanhin ukol sa pagtakas niya sa grupo ng mga journalists nang dumating sa LA airport noong Sabado.
“The head of the immigration in LA led us to the backdoor. So I was not aware that many journalists were already waiting for us outside,” wika ni Pacquiao. “My heartfelt apology to all of them.”
Dumalo si Pacquiao sa isang Bible service noong Linggo bago sumabak sa training kinaumagahan ng Lunes. Patuloy ang pagsasanay ni Pacquiao kahit wala si Roach, nasa Macau para sa laban ni Chinese fighter Zou Shiming sa Sabado.
Sina conditioning coach Justin Fortune at assistant trainers Buboy Fernandez at Flash Fernandez ang tumutulong kay Pacquiao ngayon.
- Latest