^

PM Sports

Talk ‘N Text nasa unahan na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Maraming natutunan ang Talk ‘N Text mula sa kanilang nakakagulat na kabiguan sa Kia ni playing coach Manny Pacquiao noong nakaraang linggo.

“We’re still trying to have them learn what we’re trying to accomplish in terms of defense. Kulang pa ng aggression sa defense, di pa consistent,” sabi ni head coach Jong Uichico matapos ang 96-88 paggiba ng kanyang Tropang Texters sa Globalport Batang Pier sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang panalo ng Talk ‘N Text ang nagbigay sa kanila ng solong liderato kasabay ng pagpigil sa two-game winning run ng Globalport.

Kinailangan ng Tropang Texters ang eksplosibong laro ni import Ivan Johnson sa fourth quarter kung saan humugot ito ng 11 sa kanyang 35 points.

Ang three-point play ni Johnson ang nagbigay sa Talk ‘N Text, nangga-ling sa 103-106 kabiguan sa Kia noong nakaraang Miyerkules ng 93-83 ka-lamangan sa huling tatlong minuto ng laro.

Nagdagdag si Johnson ng 20 rebounds, 3 steals at 2 assists para sa Tropang Texters na nakahugot din ng 25 points kay Ranidel De Ocampo at 13 kay rookie Matt Ganuelas-Rosser.

Sa ikalawang laro nalusutan ng Purefoods (5-3) ang San Miguel (1-6), 113-105 sa overtime. (RC)

vuukle comment

GLOBALPORT BATANG PIER

IVAN JOHNSON

JONG UICHICO

KIA

MATT GANUELAS-ROSSER

N TEXT

RANIDEL DE OCAMPO

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with