^

PM Sports

Nagpasikat si Manny

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpapawis si Manny Pacquiao sa harap ng mga camera kahapon para ipagpatuloy ang kanyang paghahanda sa kanilang May 2 clash ni Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas.

Halos mapuno ang MP Tower Gym sa Sampaloc, Manila na tila pinagsamang media day at fans day.

Isang CNN crew ang nasa gym na siya ring tumunghay kay Pacquiao nang maglaro ito sa PBA kamakalawa.

Ugali na ni Pacquiao na magpasikat sa harap ng mga cameras.

Halos isang oras siyang nagpapawis ng matindi.

Si Buboy Fernandez, ang nangunguna sa training habang wala si Freddie Roach, ang tumanggap ng mga suntok ni Pacquiao. Anim na rounds ang ginawa ni Pacquiao sa mitts at minsan ay nakakalusot ang suntok nito diretso kay Fernandez.

“Okay lang na tamaan ako. Parte ng training ‘yan eh,” sabi ni Fernandez.

Maganda ang porma ni Pacquiao na parang nagsasanay na siya ng isang buwan.

“Wala pa sa kalahati yun,” wika ni Pacquiao habang papatapos sa kanyang abdominal exercises.

Plano ni Pacquiao na magtungo sa Los Angeles bukas ng gabi matapos ang laro ng Kia sa PBA Commissioner’s Cup. Kapag nasa LA na ay seryoso na ang kanilang ensayo ni Roach.

Ayon sa mga experts na humihina na si Mayweather.

vuukle comment

FERNANDEZ

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

LAS VEGAS

LOS ANGELES

PACQUIAO

SI BUBOY FERNANDEZ

TOWER GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with