^

PM Sports

5 sunod na panalo sa Grizzlies

Pang-masa

MEMPHIS, Tenn. — Dumiretso sa kanilang panglimang sunod na panalo ang Memphis Grizzlies matapos ilampaso ang Denver Nuggets, 99-69, tampok ang 15 points at 17 rebounds ni Zach Randolph nitong Huwebes.

Nagdagdag naman si Jeff Green ng 13 points para sa arangkada ng Grizzlies.

Nilimitahan ng Grizz-lies ang Nuggets sa 11 points sa first quarter at hindi na hinayaang makalapit ang huli sa pagposte ni Randolph ang kanyang ika-10 sunod na double-double.

Tumipa sina Courtney Lee, Nick Calathes at Beno Udrih ng tig-11 points kasunod ang 10 ni Marc Gasol.

Pinamunuan naman nina Wilson Chandler at Kenneth Faried ang Denver sa kanilang tig-10 points.

Nalasap ng Nuggets ang pang-walo nilang kabiguan sa huli nilang siyam na laro.

Matapos ilista ang 19-point lead sa first period ay pinalobo pa ng Memphis ang kanilang kalamangan sa 50-35 sa halftime kung saan umiskor si Randolph ng 11 points.

Pinalaki pa ng Grizz-lies ang kanilang bentahe sa 74-49 patungo sa final period upang tuluyan nang ipagpag ang Nuggets.

Malaki pa sana ang ilalamang ng Memphis kundi lamang sa kanilang 10-of-16 sa free throw line kumpara sa 2-of-3 ng Denver sa first half.

Tinapos ng Grizzlies ang laro na may 18-of-27 shooting sa free throw line laban sa 9 of 10 ng Nuggets.

Sa Los Angeles, nagtala si  Jordan Hill ng 26 points at ipinuwersa ang ikalawang overtime sa pamamagitan ng clutch jumper at napigilan ng Los Angeles Lakers ang kanilang losing streak sa 9-games sa pamamamagitan ng 123-118 panalo kontra sa Chicago Bulls.

Umiskor si Wayne Ellington ng 23 points at nagdagdag si rookie Jordan Clarkson ng 18 para sa Lakers na nali-mitahan ang Bulls para sa kanilang unang panalo sapul noong Jan. 9.

 

vuukle comment

BENO UDRIH

CHICAGO BULLS

COURTNEY LEE

DENVER NUGGETS

GRIZZ

JEFF GREEN

JORDAN CLARKSON

JORDAN HILL

KANILANG

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with