^

PM Sports

Twice-to-beat asam ng Ateneo spikers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tangkang dagitin ng nagdedepensang kampeon Ateneo Lady Eagles ang twice-to-beat advantage sa Final Four habang hangad naman ng La Salle Lady Archers na makalapit sa bentaheng ito sa pagpapatuloy ng 77th UAAP women’s volleyball nga-yon sa The Arena sa San Juan City.

May 9-0 karta ang Lady Eagles na haharapin ang UP Lady Maroons sa unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon bago pumalit ang Lady Archers laban sa National University Lady Bulldogs dakong alas-4 ng hapon.

Nakatiyak na ang Ateneo ng playoff para sa hu-ling Final Four slot pero ang makukuhang panalo ay hindi  lamang magluluklok sa koponan sa puwesto sa susunod na round kungdi hahawakan din nila ang mahalagang bentahe kung may magaganap na semifinals.

Kung magtatagumpay ang Ateneo, mangangaila-ngan na lamang ang Lady Eagles na maipanalo ang huling apat na laro para makumpleto ang 14-0 sweep at ipasok na ang sarili sa championship round.

Ang UP ay may 4-5 karta at kasalo sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto ang NU at mga pahingang FEU Lady Tamaraws at UST Tigresses.

Ikasiyam na panalo sa 10 laro ang papanain ng Lady Archers kapag napaamo nila ang Lady Bulldogs na gustong wakasan ang dalawang sunod na kabiguan na bumulaga sa pagbubukas ng second round.

Samantala, maghihiwalay ng landas ang 4-koponan na magkakasalo sa unang puwesto sa men’s division.

Unang maglalaban ang nagdedepensang kampeon NU Bulldogs at Ateneo Eagles sa ganap na ika-8 ng umaga bago sundan ng UST Tigers at Adamson dakong alas-10 at ang mananalo ang mga mananatiling magsasalo sa liderato bitbit ang 8-2 baraha. (AT)

vuukle comment

ATENEO

ATENEO EAGLES

ATENEO LADY EAGLES

FINAL FOUR

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LADY MAROONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with