^

PM Sports

Sinolo ang liderato Meralco Bolts ‘di napigilan ng Kia Carnival

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagposte ang Kia Carnival ng 11-point lead sa second period ngunit hindi ito nakapigil sa Meralco para kunin ang kanilang ikalawang sunod na panalo kasabay ng pag-angkin sa liderato ng 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Isang 16-8 atake ang ginawa ng Bolts sa gitna ng fourth quarter para talunin ang Carnival, 90-80, kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“We did a good job at halftime to instill more energy in our defense,” sabi ni head coach Norman Black sa Meralco.

Ipinoste ng Carnival, muling ginabayan ni assistant coach Chito Victolero habang nasa United States pa rin ang kanilang playing coach na si Manny Pacquiao, ang 25-14 abante sa second quarter bago ilista ng Meralco ang 63-48 sa 2:31 minuto ng third period.

Nakadikit ang Carnival sa 66-67, may 7:44 minuto na lang sa final canto kasunod ang pagpapakawala ng Bolts ng isang 16-8 atake para muling makalayo sa 83-74 sa huling 1:47 minuto.

Umiskor si import Josh Davis, nanakawan ng cell phone habang nagpapakuha ng litrato sa kanilang mga fans matapos ang 85-74 panalo sa Ginebra noong Martes, ng 19 points sa itaas ng 25 ni Gary David.

Kumolekta naman si 7-foot-4 import PJ Ramos ng 34 markers para sa Kia, nalasap ang pangalawang sunod na kabiguan.

MERALCO 90 - David 25, Davis 19, Reyes 16, Anthony 6, Ildefonso 6, Hugnatan 6, Hodge 4, Wilson 4, Ferriols 4, Atkins 0, Cortez 0, Buenafe 0, Sena 0.

Kia 80 - Ramos 34, Buensuceso 11, Poligrates 6, Webb 6, Cawaling 5, Yee 5, Pascual 4, Ighalo 4, Revilla 3, Burtscher 2, Thiele 0, Padilla 0.

Quarterscores: 12-18; 36-38; 62-56; 90-80.

vuukle comment

CHITO VICTOLERO

CUNETA ASTRODOME

GARY DAVID

JOSH DAVIS

KIA

KIA CARNIVAL

MERALCO

NORMAN BLACK

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with