^

PM Sports

Posibleng mag-rematch ang Bullpups at Blue Eaglets

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalakas ng nagdedepensang National University at ng karibal na Ateneo ang tsansa para sa kanilang Finals rematch matapos manalo sa kanilang mga kalaban sa UAAP Season 77 juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Dumiretso ang Bullpups sa kanilang ika-22 panalo matapos talunin ang Adamson University, 63-55  habang sumandal ang Blue Eag-lets sa 29-8 run sa third quarter para sa kanilang 84-60 tagumpay sa University of the East.

Kapwa may magkatulad na 6-0 record, magtatagpo ang NU at ang Ateneo ngayon kung saan nakataya ang first round sweep.

Ito ang unang pagkikita ng Bullpups at ng Eaglets matapos maglaban sa championship round noong nakaraang taon para sa 16-0 sweep ng NU.

Tumipa si Allan Mina ng 13 points, habang may 12 si Philip Manalang at humakot si Mark Dyke ng 13 rebounds para sa panalo ng Bullpups sa Baby Falcons.

Humakot naman si Matt Nieto ng 20 points, 7 rebounds at 4 assists,  umiskor sina Lorenzo Mendoza at Marc Salandanan ng tig-12 points at nagtala si Mike Nieto ng 10 points at 10 rebounds para sa tagumpay ng Ateneo laban sa UE.

Nanalo rin ang Far Eastern University-Diliman at ang De La Salle-Zobel sa kani-kanilang mga laro para magsalo sa third place.

Kumolekta si Marvin Lee ng 14 points, 8 boards, 5 assists at 3 steals sa 53-41 panalo ng Baby Tamaraws laban sa University of Santo Tomas, samantalang kumamada si Joaquin Banzon ng 18 points, 7 assists, 5 boards at 4 steals sa 104-54 paglampaso ng Junior Archers sa UP Integrated School.

Kapwa may 2-4 baraha ngayon ang FEU-Diliman at ang La Salle-Zobel kagaya ng Adamson, habang may 1-5 marka ang UST at ang UP at may 0-6 record ang UE.

 

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ALLAN MINA

ATENEO

BABY FALCONS

BABY TAMARAWS

BLUE EAG

BLUE EAGLE GYM

DE LA SALLE-ZOBEL

FAR EASTERN UNIVERSITY-DILIMAN

INTEGRATED SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with