^

PM Sports

Petron vs Generika sa finals

Pang-masa

LARO SA LINGGO

(Cuneta Astrodome)

2 p.m. Mane N Tail vs Foton (for 5th place)

4 p.m. Cignal vs RC Cola-Air Force (for 3rd place

6 p.m. Petron vs Generika (finals)

 

MANILA, Philippines - Naglaro ng naaayon sa kanilang estado ang Petron Lady Blaze Spikers at Generika Life Savers para talunin ang mga katunggali sa semifinals ng 2014 Philippine Superliga (PSL) na handog ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ibinabad uli ng Petron ang import na si Alaina Bergsma at tumugon ito sa pagtala ng 18 hits, apat na blocks at tatlong aces para pangunahan ang koponan sa 25-23, 25-16, 25-21, pananaig sa Cignal HD Lady Spikers.

Hindi nagpahuli ang Generika na sumandal sa balanseng atake sa mga manlalaro tungo sa  25-23, 25-16, 25-23 panalo sa RC Cola-Air Force Raiders sa ikalawang laro.

Dahil sa panalo, ang Petron at Generika ang maglalaban para sa titutlo sa ligang inorganisa ng Sports Core at may ayuda pa ng Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Muller Sports Medicine, Healthyway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Sumuporta kay Bergsma sina Dindin Santiago at Frances Molina sa kanilang 13 at 10 puntos para pa-ngatawanan ng Lady Blaze Spikers ang pagiging number one sa elimination round.

Ang one-game finals ay gagawin sa Linggo sa Astrodome dakong alas-6 ng gabi. Ang mga natalong koponan na Cignal at RC Cola-Air Force ay magtatagisan para sa ikatlong puwesto habang ang Mane ‘N Tail Lady Stallions at Foton Tornadoes ang mag-aagawan para sa ikalimang puwesto. (AT)

vuukle comment

ALAINA BERGSMA

CIGNAL

COLA-AIR FORCE

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

FOTON TORNADOES

FRANCES MOLINA

GENERIKA

PETRON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with