^

PM Sports

Pacquiao nainis kay Mayweather

NB - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasabay ng masungit na panahon kahapon sa Makati City ay ang pagkairita ni Manny Pacquiao ukol sa pinakabagong tirada sa kanya ni Floyd Mayweather, Jr. sa social media.

Nainis si Pacquiao sa pagpo-post ni Mayweather ng Instagram video kung saan ipinakita ang pagbagsak ni ‘Pacman’ kay Juan Manuel Marquez sa sixth round noong Disyembre ng 2012.

Kasabay ng pagpapakita sa video ay ang kantang “Another One Bites the Dust” ng Queen.

“And so he thinks I’m easy to be knocked out. So come on let’s fight,” sabi ni Pacquiao sa press conference sa Hotel InterContinental matapos ang victory parade na ibinigay sa kanya ng Makati City. “If he posted that in his Instagram, he should fight me now,” dagdag pa ni Pacquiao. “Madali pala akong patulugin eh, laban na siya.”

Matapos bugbugin si Chris Algieri noong Linggo ay inulit ni Pacquiao ang kanyang popular Footlocker commercial nang tanungin ukol sa kanilang laban ni Mayweather. “He’s going to fight me? Yes! He’s going to fight me!” sabi ni Pacquiao.

Pinakahihintay ng mga fight fans sa buong mundo ang paghaharap ni Pacquiao at Mayweather.

Kaugnay naman sa kanyang sinasabing pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika sa 2016, sinabi ni Pacquiao na hindi pa niya ito iniisip.

“As of now, I’m focused as a congressman, a boxer and a family man,” wika ng Sarangani congressman. “Darating ang tamang panahon. Ang tamang panahon ay right time. Malayo pa ‘yun,” dagdag pa nito.

Ilang araw matapos ang kanyang panalo kay Chris Algieri sa Macau, China ay kaagad umupo sa bench ng Kia si Pacquiao bilang playing coach.

Ngunit hindi naglaro si Pacquiao at sa halip ay mas tinutukan ang paggiya sa Sorento, nakalasap ng 77-88 kabiguan sa nagdedepensang Purefoods sa PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

 

vuukle comment

ANOTHER ONE BITES THE DUST

ANTIPOLO CITY

CHRIS ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER

INSTAGRAM

JUAN MANUEL MARQUEZ

MAKATI CITY

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with