^

PM Sports

La Salle vs San Beda para sa PCCL title

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tangka ng La Salle ang kanilang ikatlong titulo habang nais namang matikmnan ng San Beda ang unang korona sa torneo sa kanilang sagupaan ngayon sa Game One ng best-of-three championships para sa titulo ng 2014 Philippine Collegiate Champions League (PCCL) sa Ynares Gym sa Pasig City.

Sa pangunguna ni Cameroonian rookie Ben Mbala, na-sweep ng Archers ang kanilang apat na laro sa eliminations patungo sa finals habang kinailangan ng Lions na talunin ang  University of San Carlos mula sa Cebu sa pamamagitan ng tiebreaker para angkinin ang ikalawang finals slot.

Nakatakda ang laro sa alas-4:00 ng hapon.

Ang Game Two ay gagawin sa Lunes at kung kakailanganin ng deciding Game Three ay gagawin ito sa Martes.

Hangad ng La Salle, na-sweep ang Southwestern University sa dalawang laro noong nakaraang taon para sa titulo, na parisan ang kanilang karibal na Ateneo na maging tanging three-time winners ng taunang ligang ito na nagdedetermina kung sino ang pinakamahusay na college team sa bansa.

“We’ll just come out there and give it our best to win,” sabi ni La Salle coach Juno Sauler.

Nais naman ng San Beda na maging unang NCAA team na manalo sa liga.

“It’s all about pride,” sabi ni San Beda acting coach Adonis Tierra.

Ayon kay Tierra, magiging susi sa labanang ito kung sino kina Mbala at Nigerian behemoth Ola Adeogun  ng San Beda ang maglalaro ng mas maganda.

“Ola himself admitted that he was outplayed by Mbala the last time we played,” sabi ni Tierra ukol sa kanilang pagkatalo sa Archers, 56-61 sa Elite Eight noong Biyernes. “But he (Adeogun) promised to make up for it by playing hard in the championship,.”

Samantala, ang  all-Cebu battle for third place sa pagitan ng USC at University of Visayas ay kinansela ngayon at lalaruin na lamang sa Lunes.

vuukle comment

ADONIS TIERRA

ANG GAME TWO

BEN MBALA

CEBU

ELITE EIGHT

GAME ONE

GAME THREE

LA SALLE

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with