^

PM Sports

Jumbo, AMA nalo

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sumandal ang Jumbo Plastic Giants sa lalim ng kanilang bench tungo sa 94-57 paggapi sa MP Hotel Warriors upang manatili ang kapit sa ikatlong puwesto sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Si Marion Magat  ang nanguna sa kanyang 18 puntos, si Marvin Cruz ay naghatid ng 11 at si Jan Colina na sumalang sa aksyon sa unang pagkakataon ay may anim na puntos sa huling yugto para balikatin ang Giants kahit hindi mga starters.

May limang puntos si Magat sa unang yugto para itulak ang Giants sa 15-6 bago kumana ng dalawang 3-pointers si Mark Cruz sa ikalawang yugto na nadomina pa ng Jumbo Plastic, 30-10, tungo sa mas kumportableng 45-16 kalamangan.

“Our bench made the difference for this game. We also capitalized our advantage in the pointguard,” banggit agad ni Giants coach Stevenson Tiu na nanatili sa ikatlong puwesto sa 4-1 baraha.

Sina Hernal Escosio at Rhey Sumido ay nagtala ng 11 at 10 puntos para sa Warriors na bumaba sa 1-4 karta.

Nasungkit din ng AMA University Titans ang ikalawang panalo nang padapain ang mas beteranong Racal Motors Alibaba, 83-76.

Si Philip Paniamogan ay mayroong 22 puntos habang si Jay-R Taganas ay nag-ambag ng solidong 21 puntos at 20 rebounds para okupahan ng Titans ang ikapitong puwesto sa 2-3 karta.

Dominado ng Titans ang laro ngunit kinailangan pa rin ang mga buslo ni Paniamogan para mapigilan ang tangkang pagbangon ng Alibaba na ngayon ay may 1-4 baraha.

Si Paniamogan ay naghatid ng tatlong 3-pointers sa huling 5:48 para balewalain ang pagdikit ng Alibaba sa tatlo, 65-68.

Si Joshua Cubillo ay may 12 puntos at si Joseph Eriobu ay nag-ambag pa ng 10 puntos at 12 boards para sa nanalong koponan. (AT)

vuukle comment

ALIBABA

D-LEAGUE ASPIRANTS

HOTEL WARRIORS

JAN COLINA

JAY-R TAGANAS

JOSEPH ERIOBU

JUMBO PLASTIC

JUMBO PLASTIC GIANTS

MARK CRUZ

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with