^

PM Sports

Bumalik ang dating tikas ni Pacquiao

Pang-masa

MACAU – Sinabi ni Manny Pacquiao na nagbalik na ang kanyang dating ‘killer instinct’ sa kabuuan ng 12 rounds sa kanilang laban ni Chris Algieri noong Linggo sa Cotai Arena ng Venetian Hotel.

Isang araw matapos ang laban, sa master bedroom ng kanyang eleganteng kuwarto sa Venetian Hotel, sinabi ni Pacquiao na hindi niya tinantanan si Algieri para patumbahin.

“Every round I looked for the knockout,” wika ni Pacquiao sa mga reporters. “My killer instinct was there. Hindi lang talaga nakipag-engage eh. Minsan gusto ko na pasukin pero ayaw talaga,” wika ni Pacquiao.

Idinagdag pa niyang nasaktan na niya si Algieri sa first round pa lamang at sa second round na natamaan niya ito para sa una sa anim na knockdowns.

Marami ang nagsasabing hindi dapat ibinilang na knockdown ang pagtumba ni Algieri sa first round.

“Tinamaan muna,” sabi naman ni Pacquiao.

Dalawang ulit bumagsak si Algieri, nauna nang nangakong ipapanalo ang bawat round kontra kay Pacquiao, sa sixth at ninth round at isa sa 10th round.

Walang naisagot si Algieri sa mga pinakawalang suntok ni Pacquiao.

Naawa rin si Pacquiao kay Algieri.

“I pitied him because I knew he was trying and giving his best. Pero inexperienced pa talaga. Naawa ako sa kanya kasi alam mo he did his best,” ani Pacquiao.

“Aamba pa lang ako nag-cover na siya. If you’re an experienced fighter, you go for the counter. Kulang pa sa experience pero naisabak agad,” dagdag pa nito.

Tahimik ang four-bedroom suite at halos wala nang tao para sa paghahanda ni Pacquiao sa kanyang pang alauna ng hapong pagbalik sa Manila kung saan niya muling makakasama ang higit sa 300 bilang ng kanyang mga bisita, pamil-ya at kaibigan sakay ng dalawang chartered AirAsia jumbo jets.

Sa pakikipag-usap ni Pacquiao sa mga reporters na nakasuot ng puting t-shirt, asul na maong at pulang Louis Vuitton na sapatos, kumakain naman ang kanyang asawang si Jinkee sa kama. (AC)

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

LOUIS VUITTON

NAAWA

PACQUIAO

ROUND

VENETIAN HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with