Ateneo giniba ang NU
MANILA, Philippines – Nagpakawala si Alyssa Valdez ng 28 puntos para igiya ang nagdedepensang Ateneo Lady Eagles sa 25-21, 25-18, 25-15 panalo laban sa National University Lady Bulldogs sa pagbubukas ng 77th UAAP women’s volleyball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagtala si Valdez ng 20 kills, 2 blocks at 6 aces para sa Lady Eagles.
Nakisalo sa 1-0 baraha ng Ateneo ang University of Sto. Tomas mula sa kanilang 25-11, 25-12, 25-14 panalo sa UE Lady Warriors.
Nagtala naman si Rueben Inaudito ng 9 kills at 5 blocks patungo sa kanyang 14 puntos, habang may 13 si Fauzi Ismail para tulungan ang back-to-back defending men’s champion na National University Bulldogs sa 25-23, 25-21, 25-12 panalo kontra sa Adamson Falcons.
Hindi nagpahuli ang Ateneo Blue Eagles na pinabagsak ang FEU Tamaraws, 25-15, 25-19, 25-20, sa ikalawang laro sa men’s division.
- Latest