^

PM Sports

Knockout win asam ni Manny

Abac Cordero - Pang-masa

MACAU – Halos isang buwan bago ang kan­yang pang-36 kaara­wan ay pinipilit ni Manny Pacquiao na iwasan ang ka­tandaan.

Magawa man niya ito o hindi, ito ay malalaman sa pagsagupa ni  Pacquiao kay American chal­len­ger Chris Algieri nga­yon sa Cotai Arena.

Itataya ni Pacquiao ang kanyang suot na WBO welterweight belt laban kay Algieri, isang New Yorker na mas bata ng ilang taon sa kanya at mas matangkad ng apat na pulgada.

Binalikan ng Filipino su­perstar, ang dating pound-for-pound king, ang dati niyang ginagawa sa pagte-training.

Nangako siyang iba­ba­lik ang dating Pacquiao na kabi-kabila ang ginaga­wang pagpapatumba sa mga kalaban.

“Just like what I did in the early days – with the hunger and the aggressiveness when I was young,” sabi ni Pacquiao matapos ang official weigh-in.

Dinumog ng mga fans ni Pacquiao ang enclosed area sa fight venue para sa weigh-in.

Isinigaw nila ang kan­yang pangalan kahit nag­sasalita siya sa mikropo­no.

Halos wala namang su­­muporta kay Algieri.

Nang dumating siya dito mula sa  Los Angeles para sa fight week ay iilan lamang ang kanyang kasama.

Dinala naman ni Pacquiao ang halos 350 bilang ng kanyang pamilya, mga kaibigan at ang Kia Team sakay ng dalawang A320 airbuses mula sa Air­Asia.

Sa mga oddmakers, si Pacquiao ay tumatayong 7-1 favorite laban kay Algieri.

Ang sinasabing kata­nungan na lamang ay kung saang rounds mapa­pabagsak ni Pacquiao si Al­­gieri.

Limang taon nang hin­di nakakapagpatumba ng kalaban si Pacquiao na nagbigay ng pangamba sa kanyang fans kung kaya pa niyang lumaban.

“Manny is really rea­dy. I said we’re going to knock him out because I have confidence in my fighter,” sabi ni chief trai­ner Freddie Roach.

Si Pacquiao ay isang boksingero na hindi nagpapahayag ng prediksyon tungkol sa mangyayari sa kanyang kalaban kahit na naglista siya ng 38 KOs sa kanyang 56-5-2 record.

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

FREDDIE ROACH

KIA TEAM

LOS ANGELES

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with