^

PM Sports

Belo hahabulin ng Tanduay Light

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang ipaglaban ng Tanduay Light Rhum Masters ang kanilang karapatan kay 6’4” forward Mark Belo.

Si Belo ay nagbabalak na maglaro sa MJM M-Builders/FEU sa idinaraos na PBA D-League Aspirants’ Cup ngunit nalalagay ito sa alanganin dahil sa pinirmahang kontrata sa Boracay Rhum (Tanduay Light ngayon).

Kinuha si Bello bilang second round pick ng Boracay Rhum noong nakaraang taon at pumirma ng kontrata noong Oktubre 1, 2013 at mapapaso ito sa Mayo 2015.

Ayon kay Lawrence Chongson, ang head coach at basketball operations head ng Tanduay, handa silang dumulog sa korte kung hindi magpapakita si Belo sa kanilang koponan.

Nagsabi ang PBA na hindi sila manghihimasok sa problemang ito dahil isa itong internal problem.

“Ayaw ko man na magpunta sa korte pero kaila-ngan naming ipaglaban ang aming karapatan. We are willing to give him additional time pero matapos ang ilang araw at hindi pa rin siya magpakita ay gagawa na kami ng action,” wika ni Chongson.

Nagnanais si Belo na maglaro kasama ang mga kakampi sa FEU dahil may isang taon pa siyang playing year sa UAAP.

Kumikilos ang Tanduay para hindi mawala ang power forward dahil nauna nang nawala ang second pick sa Rookie Draft na si Chris Newsome nang hindi nila nabigyan ng offer sheet dahil ‘di siya nagpakita ng  limang araw pagkatapos kunin sa draft.

“Wala na kaming magagawa kay Newsome pero kay  Mac, right ang pinaglalabanan namin. Sa PBA maaaring hindi sila makialam pero sa korte, tingin ko ay kami ang papanigan,” ani Chongson.

Umaasa naman si Edgar Mangahas, manager ng FEU player na nakasama sa national team na nanalo ng ginto sa 2013 SEA Games sa Myanmar, na maaa-yos din ang lahat ng gusot na ito.

“Sa ngayon ay may bone spurs siya kaya hindi pa makakapaglaro. Sisikapin kong kausapin siya at makipag-usap siya sa Tanduay para maayos na ang problemang ito,” pahayag ni Mangahas.

Ang Rhum Masters ay magbubukas ng kampanya laban sa MJM M Builders/FEU sa Nobyembre 3 at ina-antabayanan ng una kung saang koponan magsusuot ng uniporme si Belo bago ituloy ang mga plano. (AT)

 

vuukle comment

ANG RHUM MASTERS

BELO

BORACAY RHUM

CHONGSON

CHRIS NEWSOME

D-LEAGUE ASPIRANTS

EDGAR MANGAHAS

TANDUAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with