^

PM Sports

May OTB na sa casino

Pang-masa

 

MANILA, Philippines – Asahan ang paglaki pa ng sales sa horse racing industry nga­yong nakapasok na ang industriya sa casino.
Ang Solaire Resorts and Casino ay naglagay na ng OTB (off-track betting) outlet sa pakikipagsanib-puwersa sa Manila Jockey Club Inc. na nagmamay-ari sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Malaking bagay ito sa itinutulak ng Philippine Racing Commission (Philracom) para mahikayat ang mga tao o ibang sektor na pumasok sa horse racing.

“The industry needs this kind of promotion,” wika ni Philracom chairman Angel L. Castano, Jr.
Matagal nang itinulak ang proyekto na maki­pag-tie-up sa mga casino sa bansa dahil naririto sa lugar na ito ang mga taong puwedeng gamitin ang horse racing para maglibang ng oras o habang naghahanap ng ibang mapaglalaruan.

“Ang mga taong tumataya sa table na med­yo hindi sinusuwerte ay puwedeng magpalamig sa karera. Hindi naman kalakihan din ang kailangang puhunan pero puwedeng maging libong piso ang balik nito,” pahayag pa ni Castano.

Umaasa ang Philracom na ang ibang racing clubs sa bansa ay makahanap din ng mga puwedeng pagtayuan ng mga OTB sa ibang pribadong establisimyento na tiyak na makakatulong para lumakas din ang sales ng kanilang mga racing clubs.

Ang Santa Ana Park sa Naic, Cavite na pinatatakbo ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) at Metro Turf sa Malvar, Batangas na pag-aari ng Metro Turf Club Inc. ang dalawang iba pang racing clubs na nagpapakarera.

Unti-unting bumabalik ang sigla sa panga­ngarera  matapos ang mga repormang ginawa ng kasalukuyang Komis­yon.

Noong nakaraang taon ay pumalo sa P7,780,482,078.00 ang kabuuang kinita ng horse racing industry na mas mataas kumpara sa P7,553,371.052.00 na tinabo noong 2012.

Malaki ang paniniwala ng Philracom na mahihigitan ang naitala noong 2013 ng kasalukuyang taon dahil na rin sa pagtaas ng suporta ng bayang karerista kahit tatlo na ang racing clubs sa bansa. (AT)

vuukle comment

ANG SANTA ANA PARK

ANG SOLAIRE RESORTS AND CASINO

ANGEL L

CAVITE

MANILA JOCKEY CLUB INC

METRO TURF

PHILRACOM

RACING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with