^

PM Sports

Pangalawang silya pag-aagawan ng PLDT at Cagayan sa V-League

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pangalawang puwesto ang paglalabanan ng Cagayan Valley Lady Rising Suns at ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa Shakey’s V-League Season11 Third Con­ference sa The Arena sa San Juan City.

Magkatabla ang mag­ka­bi­lang koponan sa 2-2 kaya’t ang mananalo sa  la­­rong magsisimula sa alas-4 ng hapon ay lalapit din sa isang panalo para okupahan ang ikalawang puwesto sa Finals sa ligang inorganisa ng Sports Vi­sion katuwang ang Sha­key’s at may ayuda ng Accel at Mikasa.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay sa hanay ng collegiate teams FEU Tamaraws at Rizal Technological University Blue Thunders sa men’s di­vision.

Okupado na ng Army Lady Troopers ang unang upuan sa championship round matapos ang  25-22, 26-24, 26-28, 23-25, 15-13 panalo sa Cagayan no­ong nakaraang Huwe­bes.

Papasok ang Turbo Boosters mula sa 25-20, 25-15, 22-15, 16-25, 17-15 panalo sa Meralco Po­wer Spikers para magka­ro­on ng momentum at mai­santabi ang 17-25, 17-25, 25-27 straight sets loss sa Cagayan.

Sina Sue Roces, Gret­chel Soltones, Charo So­riano, Ryzabelle Devana­dera at Angela Benting ang mga aasahan sa PLDT, ha­bang sina Thai imports Saengmuang Patcharee at Amporn Hyapha ang mag­­dadala ng laban sa La­dy Rising Suns.

Sina Patcharee at Hyapha ay nagtala ng tig-22 puntos sa unang laro ng Ca­gayan. (ATan)

 

vuukle comment

AMPORN HYAPHA

ANGELA BENTING

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CHARO SO

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

MERALCO PO

RISING SUNS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with