Arum gustong pahintuin si Pacquiao sa PBA
MANILA, Philippines - Kung si Bob Arum ng Top Rank Promotions ang tatanungin ay gusto na nitong patigilin si Manny Pacquiao sa kanyang PBA career.
Sinabi ni Arum na iba ang paglalaro ng basketball sa pagboboksing.
Ikinakatakot ng promoter ang pagkakaroon ng injury ng 35-anyos na si Pacquiao sa kanyang PBA career bilang playing coach ng Kia Sorento.
“I was not a very happy camper when I found out,” sabi ni Arum. “Professional basketball, no matter the country where it is played, is a rugged sport, and a player can turn an ankle very, very easily. These players in the NBA are fantastic physical specimens and yet they get injured all the time.”
Ayon naman kay Pacquiao, malaki ang naitutulong ng paglalaro niya ng basketball para sa kanyang pagboboksing.
Idinagdag ni ‘Pacman’ na hindi maaapektuhan ng pagiging playing coach niya sa PBA ang mga gagawin niyang pagsasanay para sa mga susunod na laban.
“An injury would have really wreaked havoc on the fight, so I was not very pleased, but everyone has assured us — Manny has assured (trainer) Freddie (Roach) and Freddie has assured me — that that’s it. After he does the fight on Nov. 22, if he wants to try out for the New York Knicks, that’s OK with me,” ani Arum.
Nagtala si Pacquiao ng 2 turnovers at 1 foul sa loob ng limang minuto sa kanyang PBA Debut para sa 80-66 panalo ng Kia kontra sa Blackwater noong Oktubre 19. (RC)
- Latest