^

PM Sports

NCAA Juniors finals Mapua o San Beda?

Pang-masa

LARO NGAYON

JUNIORS FINALS

(best-of-3)

(MOA Arena)

2:30 p.m.- San Beda vs Mapua (Game 3)

 

MANILA, Philippines - Ang Mapua at San Beda ang dalawang koponang may pinakamaraming titulo sa high school sa NCAA ngayon sa kanilang tig-20 championships.

Mababasag ngayon ang pagtatabla at isa sa dalawang koponang ito ang aangat pagkatapos ng araw na ito.

Matapos magtabla ang best-of-three title showdown, maghaharap sa huling pagkakataon ngayong season ang Red Robins at Red Cubs sa kanilang deciding game para sa titulo ng 90th NCAA juniors basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakuha ng Mapua ang Game One, 84-75 ngunit nakabawi ang San Beda sa pamamagitan ng 78-68 tagumpay upang ipuwersa ang deciding game ngayong alas-2:30 ng hapon.

Tangka ng Robins ang titulo na huli nilang natikman, 14-taon na ang nakakaraan habang asam ng Cubs ang ikaanim na sunod na championship na siyang pinakamahabang streak sa liga.

Ang San Beda at Mapua ang tanging dalawang high school  teams na nanalo ng limang sunod na titulo. Ang Cubs ay champion mula noong 2009 hanggang noong nakaraang taon habang ang Mapua ay nagkampeon mula noong 1968 hanggang 1972.

vuukle comment

ANG CUBS

ANG MAPUA

ANG SAN BEDA

GAME ONE

MABABASAG

MAPUA

PASAY CITY

RED CUBS

RED ROBINS

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with