^

PM Sports

IEM Volley Masters nakalapit sa Finals

Pang-masa

MANILA, Philippines - Binalikan ng Instituto Estetico Manila Volley Masters ang Rizal Technological University Blue Thunders sa 25-14, 25-22, 25-16 straight sets dominasyon upang iusad ang isang paa patungo sa championship sa men’s division ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference kahapon sa The Arena sa San  Juan City.

Si Jeffrey Jimenez ay may 9 kills, 3 service aces at 1 block tungo sa 13 puntos para pangunahan ang mabangis na laro ng Volley Masters upang saluhan uli sa unang puwesto ang pahingang Systema Active Smashers sa 3-1 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Hindi nagpabaya ang tropa ni coach Ernesto Balubar dahil sina Jason Canlas, Eden Canlas at Karl Ian Dela Calzada ay may tig-pitong puntos habang si Michael Ian Conde ay may anim na hits na lahat ay ginawa sa ikatlong set para ipakita ang balanseng pag-atake.

Tumagal lamang ang laro sa isang oras at 13 segundo dahil puno ng determinasyon ang Volley Masters na maipaghiganti  ang five-sets pagkatalo sa RTU sa unang pagkikita.

Lamang na noon ang IEM, 2-1, pero bumigay sila sa huling dalawang sets para sa natatanging pagkatalo sa liga.

Si Abdul Majid Jaidal ay may 8 puntos para pa-ngunahan ang Blue Thunders na bumaba sa 1-3 karta at makasama ang FEU Tamaraws. (AT)

vuukle comment

BLUE THUNDERS

EDEN CANLAS

ERNESTO BALUBAR

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

JASON CANLAS

JUAN CITY

KARL IAN DELA CALZADA

MICHAEL IAN CONDE

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDERS

VOLLEY MASTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with