^

PM Sports

Unang salang ni coach Manny

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Sa unang salang ni Manny Pacquiao bilang coach ng Kia Sorento, sari-sari ang naging opinyon ng mga  basketball fans.

Karamihan sa mga netizens ay hindi nagustuhan ang nakita sa unang laro ni Pacquiao sa PBA.

Sumalang siya ng halos pitong minuto sa first quarter sa debut game ng Kia sa PBA na kanilang ipinanalo laban sa kapwa nila expansion team na Blackwater sa pagbubukas ng liga kamakalawa sa Philippine Arena sa Bulacan na sinaksihan ng record crowd na mahigit 52,000 fans.

Nadismaya ang karamihan dahil hindi tumira si Pacquiao, tumapos na may 2-turnovers at isang foul.

Maraming nagkomento na mas mabuti pang mag-boxing na lamang siya o di kaya ay mag-concentrate sa kanyang tungkulin bilang Congressman.

Siyempre mayroon din namang natuwa na makitang maglaro ng basketball si Coach Manny.

Pero ang kanyang presensiya sa court ay nagbigay inspirasyon sa Sorento team para manalo.

Unang laro pa lang naman ni Coach Manny. Nasa kasagsagan siya ng kanyang preparasyon sa kanyang laban kontra kay Chris Algieri.

Hindi naman siguro masama kung bibigyan pa natin siya ng pagkakataong i-redeem ang kanyang sarili.

vuukle comment

BULACAN

CHRIS ALGIERI

COACH MANNY

KARAMIHAN

KIA

MARAMING

NADISMAYA

PACQUIAO

PERO

PHILIPPINE ARENA

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with