^

PM Sports

Bryant umiskor ng 26pts. sa panalo ng Lakers vs Jazz

Pang-masa

LOS ANGELES – Umiskor si Kobe Bryant ng 26 points at nagdagdag si Carlos Boozer ng 19 upang ihatid ang Los Angeles Lakers sa 98-91 preseason win kontra sa Utah Jazz nitong Linggo ng gabi.

Si Boozer ay may 9-rebounds at anim sa 17 steals ng Lakers. Nakakuha ang Los Angeles ng 34-points sa 29 turnovers  ng Jazz at na-outscore din nila sa second-chance points, 17-8.

Umiskor din si Alec Burks ng 21 para sa Jazz na mayroon lamang isang field goal pagkatapos ng kanyang jumper, 5:16 minuto ang natitira. Si Enes Kanter ay may 14 points sa 38 minutes bago na-foul out sa huling 15.2 segundo ng laro.

Anim na beses nagkapalitan ng trangko sa fourth quarter bago nalagay ang Lakers sa 86-85 kalama-ngan sa hook shot ni  Ed Davis sa huling 4:50 minuto ng laro at ‘di na muling lumingon pa. Nagdagdag si Wayne Ellington ng dalawang free throws bukod pa sa 3-pointer na naglayo ng score sa 91-85, 2:50 minuto na lang ang natitira at tumulong si Bryant na iselyo ang panalo sa kanyang limang free throws sa huling 1:24 minuto ng laro.

vuukle comment

ALEC BURKS

CARLOS BOOZER

ED DAVIS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

LOS ANGELES LAKERS

SI BOOZER

SI ENES KANTER

UMISKOR

UTAH JAZZ

WAYNE ELLINGTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with