Southwestern kampeon sa CESAFI
MANILA, Philippines – Dinomina ng Southwestern University ang University of San Carlos, 64-49 para makopo ang 2014 CESAFI at maging Champions League (PCCL) Over-All Southern Islands champion sa ikalawang pagkakataon.
Itinanghal naman si Macmac Tallo, top player ng SWU bilang Finals Most Valuable Player.
Ang USC Warriors at SWU Cobras ay parehong pasok na sa Elite Eight phase ng Champions League (PCCL) 2014 National Collegiate Championship.
Makakasama nila ang UAAP champion na National University, UAAP runner-up Far Eastern U, NCAA finalists San Beda College at Arellano U at ang Vis-Min qualifier na University of Visayas.
Nakareserba na ang isang puwesto sa Luzon-Metro Manila qualifier na matutukoy pagkatapos ng dalawang regional games na nakatakda sa unang linggo ng November.
- Latest