^

PM Sports

Saka na uli lalaro si Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaasahang sa Disyem-bre pa muling makikita ng mga basketball fans si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa hardcourt.

Ito ay dahil sa pagtutok ni Pacquiao sa kanyang pag-eensayo para sa paghaharap nila ni American challenger Chris Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

“Hindi na ako maglala-ro dahil malapit na ‘yung fight. Baka after ng fight, saka ako maglalaro,” sabi ng 5-foot-6 na si Pacquiao, bilang playing coach ay iginiya ang Kia Sorento sa 80-66 paggiba sa Blackwater para sa kanyang PBA debut sa 2014 Philip-pine Cup noong Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa naturang laro ay nagtala si Pacquiao ng 2 turnovers at 1 foul sa loob ng anim na minuto at 46 segundo sa court.

Matapos ang naturang laro ay kaagad bumalik si Pacquiao sa General Santos City para ipagpatuloy ang pagsasanay sa kanilang training camp ni chief trainer Freddie Roach.

Pansamantalang iiwanan ni Pacquiao ang paghawak sa Sorento kay assistant coach Glenn Capacio.

“Puwedeng makapunta, puwede ring hindi. Pero tingnan natin ‘yung sitwasyon,” sabi ni Pacquiao sa posible niyang pagbisita sa ilang laro ng kanyang koponan.

Bukod sa kanyang PBA debut noong Linggo ay isang beses lamang nag-laro sa tune-up game ng Kia ang Sarangani Congressman at ito ay laban sa Blackwater na kanila ring tinalo, 88-77.

Inaasahang hindi makikita sa bench ng Sorento si Pacquiao sa pagsagupa sa Ginebra Gin Kings sa Sabado sa Lucena City.

Itataya ni Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) weltetrweight title kay Al-gieri (20-0-0, 8 KOs). (RC)

vuukle comment

CHRIS ALGIERI

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GINEBRA GIN KINGS

GLENN CAPACIO

INAASAHANG

KIA SORENTO

LINGGO

LUCENA CITY

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with