^

PM Sports

Turbo Boosters maghahabol

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kakapit pa ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa hangaring umabot sa championship sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa pagharap uli sa Meralco Power Spikers ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay magsisimula sa ganap na ika-6 ng gabi at ikalawang panalo matapos ang apat na laro ang makukuha ng  Turbo Boosters para dumikit uli sa Cagayan Valley Lady Rising Suns na nasa ikalawang puwesto sa 2-1 baraha.

Ang mangungunang dalawang  koponan matapos ang double round elimination sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa ang siyang magtutuos sa titulo.

Hindi pa natatalo ang Army Lady Troopers matapos ang apat na laro para mamuro sa unang upuan sa championship round.

Huling pinabagsak ng Open Conference champion Lady Troopers ang Power Spikers noong Linggo ng gabi sa pamamagitan ng 25-23, 23-25, 25-20, 25-19.

Ang pagyuko ng Meralco ay kanilang ikaapat na sunod para malagay ang isang paa sa hukay.

Ngunit may katiting pa silang tsansa na umabante pero kailangan nilang maipanalo ang huling dalawang laro at manalangin na hindi lalagpas sa dalawang panalo ang Cagayan at PLDT.

Bago ito ay magtutuos muna ang  Rizal Technological University Blue Thunders at Instituto Estetico Manila Volley Masters sa ganap na ika-4 ng  hapon sa men’s division.

Sinorpresa ng collegiate team na RTU ang IEM sa pagtutuos sa first round pero inaasahang mas handa ang huli para makapaghiganti.

May 2-1 karta rin ang Volley Masters at ang makukuhang panalo ay magtutulak sa koponan para makasalo uli sa liderato kasama ang pahingang Systema. (AT)

vuukle comment

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

HOME TELPAD TURBO BOOSTERS

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

LADY TROOPERS

MERALCO POWER SPIKERS

OPEN CONFERENCE

POWER SPIKERS

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDERS

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with