^

PM Sports

San Beda puro na

Pang-masa

MANILA, Philippines – Humakbang ang San Beda Red Lions papalapit sa 5-peat nang pabagsakin ang Arellano Chiefs, 74-66, sa pagbubukas kagabi ng 90th NCAA men’s basketball Finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa simula ng laro ay agad na itinatak ng Red Lions ang marka bilang isang four-time champion ng liga nang iposte ang 11-0 kalamangan.

Pinakamalaking kalamangan sa laro ay nasa 15 puntos, 26-11 at kahit nagawang tumabla ng Chiefs sa 31-all, ay hindi nila natapatan ang muling pag-atungal ng mga Lions para sa 1-0 bentahe sa maigsing best-of-three series.

Si Baser Amer ay mayroong 17 puntos, pitong assists at limang rebounds habang si Ola Adeogun ang nagsilbing puwersa sa ilalim ng San Beda sa kanyang 14 puntos, 14 rebounds at 4 blocks.

Sina Anthony Seme-rad ay may 12 sa kanyang 14 puntos sa first half habang si Arthur dela Cruz ay may 13 puntos para sa Lions na hindi pinalamang ang Chiefs.

“We managed to control the game because the boys accepted the challenge,” wika ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Sinikap ng Chiefs na nasa unang pagkakataon na tumapak ng Final Four at Finals, na makipagsabayan sa Lions ngunit ang kakulangan ng championship experience ay nakita sa tagisan.

“We will enjoy this victory tonight but the series is not yet over. We have to match their intensity in Game Two,” dagdag ni Fernandez.

Ang panalo ay tumabon sa 75-84 pagkatalo ng five-time defending champion sa juniors San Beda Red Cubs sa Mapua Red Robins sa unang laro. (AT)

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

BOYET FERNANDEZ

FINAL FOUR

GAME TWO

MALL OF ASIA ARENA

MAPUA RED ROBINS

OLA ADEOGUN

PASAY CITY

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with