^

PM Sports

33-Games sa bawat PBA teams sa Season 40

NB - Pang-masa

SEOUL, Korea – Ang lahat ng 12 PBA teams ay tiyak na magkakaroon ng 33 games sa 10-month calendar ng PBA Season 40 na bubuksan sa Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Hindi bababa sa 11 laro ang ibibigay sa mga koponan sa bawat komperensya kung saan nakalatag ang single-round-robin elimination phase sa Philippine Cup, sa Commissioner’s Cup at sa Governors’ Cup.

Masasabik ang mga basketball fans dahil sa tatlong magkakaibang post-elimination plays.

Inaprubahan ng PBA board of governors, sa ilalim ni chairman Patrick Gregorio, ang nasabing mga formats na iprinisinta ni PBA Commissioner Chito Salud sa kanilang planning session sa Novotel Ambassador Gangnam Hotel.

Matapos ang eliminasyon sa Philippine Cup, ang top two teams ay awtomatikong papasok sa semifinals kasabay ng tuluyan nang pagkakasibak ng dalawang mangungulelat.

Ang third-ranked team hanggang sa pang-10 ay papasok sa playoff matchups kung saan lalabanan ng No. 3 ang No. 10, ang No. 4 kontra sa No. 9, ang No. 5 katapat ang No. 8 at ang No. 6 laban sa No. 7.

Ang apat na koponang may magandang record ay mabibigyan ng ‘twice-to-beat’ advantage.

Ang mga mananalo ang aabante sa best-of-seven semifinals at ang titular series ay isa ring best-of-seven affair.

Sa Commissioner’s Cup, masisibak ang apat na kulelat na team sa eliminasyon, habang ang top eight ay papasok sa quarters tampok ang pagkuha ng No. 1 at No. 2 ng ‘twice-to-beat’ advantage kontra sa No. 8 at No. 7, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga middle teams (No. 3 vs No. 6 at No. 4 vs No. 5) ay maglalaban sa best-of-three showdowns.

Ang mga magwawagi ay maglalaro sa best-of-five semis at ang dalawang mananalo ang magsasagupa sa best-of-seven finale.

Sa Governors’ Cup, ang top eight teams ay papasok din sa quarters kung saan ang top four ay magbibitbit ng ‘win-once advantage.’

Ang semis ay best-of-five at ang finals ay best-of-seven.

vuukle comment

BEST

BOCAUE

COMMISSIONER CHITO SALUD

NOVOTEL AMBASSADOR GANGNAM HOTEL

PATRICK GREGORIO

PHILIPPINE ARENA

PHILIPPINE CUP

SA COMMISSIONER

SA GOVERNORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with