^

PM Sports

Talunin muna niya si Algieri - Mayweather

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa Moscow si Floyd Mayweather, Jr. bilang bahagi ng kanyang European tour.

Sa isang local gym ay hinintay siya ng mga reporters at naitanong kung gusto niyang labanan si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa susunod na taon.

“Let him beat (Chris) Algieri first, and then we’ll talk,” sabi ni Mayweather kay Pacquiao na magdedepensa ng kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Algieri sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Kamakailan ay nagpalitan ng kanilang mga komento sa social media sina Pacquiao at Mayweather.

Naniniwala ang 35-anyos na si Pacquiao na walang plano ang 37-anyos na si Mayweather na labanan siya dahil natatakot itong madungisan ang malinis niyang 47-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 26 knockouts.

Tatlong beses nabasura ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather super fight dahil sa mga isyu sa pagsailalim sa Olympic-style drug at blood testing at hatian sa prize money.

Ngunit pumayag na si Pacquiao (56-5-2, 38 KOs) sa naturang mga kondisyon para lamang maplantsa ang kanilang upakan ng American world five-division titlist.

Matapos ang kanyang panalo kay Marcus Mai-dana sa kanilang rematch ay sinabi ni Mayweather na binubuksan niya ang kanyang opsyon para labanan si Pacquiao sa susunod na taon.

Hindi na ito pinapansin ni Pacquiao at sa halip ay nakatutok sa kanyang pagsasanay para sa kanilang banggaan ni Algieri (20-0-0, 8 KOs).

Nasa bansa na si strength and conditioning coach Justin Fortune para ilagay sa pamatay na porma ang Sarangani Congressman na sini-mulan ang gym training kamakalawa katulong si assistant trainer Buboy Fernandez.

Nakatakda namang dumating sa bansa si chief trainer Freddie Roach sa Oktubre 8 kasama ang dalawang sparring partners ni ‘Pacman’.

vuukle comment

ALGIERI

BUBOY FERNANDEZ

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

JUSTIN FORTUNE

MARCUS MAI

MAYWEATHER

NASA MOSCOW

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with