^

PM Sports

Jose Rizal panalo na kahit di pa lumalaban

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang hirap na makukuha ng host Jose Rizal University Heavy Bombers ang ika-11 panalo matapos ang 17 laro matapos magdesisyon ang Mapua Cardinals na huwag nang laruin ang kanilang sagupaan sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Inabiso ni NCAA Management Committee representative ng Cardinals Melchor Divina na hindi pa rin sila makakabuo ng limang manlalaro kahit nagbalikan na sina Ronnel Villaseñor at Darrel Magsigay  mula sa one-game suspension.

“We only have four healthy players so we are forfeiting our game against Jose Rizal,” wika ni Divina.

Ipinaliwanag niya na sina Villaseñor at Magsigay ay may iniindang injuries habang si CJ Isit ay may fractured right cheek bone matapos sapakin ni John Ta-yongtong ng Emilio Aguinaldo College Generals na nagpasiklab sa rambulan ng dalawang koponan.

Makikinabang ng husto ang Heavy Bombers na sasaluhan ang pahingang Perpetual Help Altas sa ikaapat na puwesto sa 11-6 baraha at iiwan ang St. Benilde Blazers sa ikalimang puwesto sa 10-6 marka.

Malaki ang posibilidad na magkaroon ng tabla para sa huling upuan papasok sa Final Four kung maipapanalo ng Blazers ang nalalabing dalawang laro at manaig ang Bombers at Altas sa huling asignatura.

Ang magaganap na laro ay no-bearing game sa pagitan ng Letran Knights at Lyceum Pirates na magsisimula dakong alas-3 ng hapon.

 

vuukle comment

CARDINALS MELCHOR DIVINA

DARREL MAGSIGAY

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOHN TA

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with