^

PM Sports

Gustong humabol ng UE sa Final 4

Pang-masa

MANILA, Philippines – Masasayang ang apat na sunod na panalo ng host UE Red Warriors kung hindi nila makukuha ang panalo sa UST Tigers sa pagtatapos ng 77th UAAP men’s basketball elimination round ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ganap na ika-2 ng hapon magsisimula ang laro at nais ng Warriors na mapuwersa ang playoff para sa huling upuan sa Final Four kung manaig sa Tigers.

Ang National University Bulldogs ay may 9-5 karta para okupahan ang mahalagang ikaapat na puwesto.

Uusad na ang Bulldogs sa Final Four kung saan ang kalaban ay ang nangunang Ateneo Blue Eagles kung matatalo ang Warriors.

Nakabangon ang bataan ni coach Derrick Puma-ren mula sa 4-5 win-loss record na panimula nang nanalo sa sumunod na apat na laro.

Kasama sa mga pinabagsak ng UE ay ang mala-lakas na koponan NU, FEU Tamaraws at nagdedepensang kampeong La Salle Green Archers.

“We can’t be too happy yet, dahil hindi pa kami pasok sa Final Four. It’s still not over for us because we will have to take care of things against UST,” wika ni Pumaren.

Pahinga na ang Tigers sa 5-8 baraha pero tiyak na magnanais ang koponan na wakasan ang nabigong kampanya sa pamamagitan ng panalo.

Dahil dito, nananalig si Pumaren na magpapatuloy ang magandang ipinakikita ng mga sinasandalan na sina Charles Mammie, Pedrito Galanza, Dan Alberto at Roi Sumang na naglalaro ngayon bilang off-the-bench mula sa pagiging starter sa mga nagdaang taon.

“I just hope the players will continue to play well,” dagdag ni Pumaren.

Ang Adamson Falcons at UP Maroons ang siyang magsasara ng tabing ng eliminations sa dakong alas-4.  Hanap ng Maroons na maduplika ang 77-66 panalo na naiposte sa una nilang pagkikita.

Aasahan ng mga panatiko ng Falcons na napaghandaan nang husto ng koponan ang larong ito para hindi mauwi sa winless season ang kampan-ya sa unang taon bilang coach ni Kenneth Duremdes. (AT)

vuukle comment

ANG ADAMSON FALCONS

ANG NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

ATENEO BLUE EAGLES

CHARLES MAMMIE

DAN ALBERTO

DERRICK PUMA

FINAL FOUR

KENNETH DUREMDES

PUMAREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with