Gilas mas malakas sa Asiad kung kasama si Blatche
MANILA, Philippines - Lalakas ang laban ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung makukuha ang suporta ng international body na FIBA sa hangaring makalaro bilang naturalized player si NBA 6’11” center Andray Blatche.
Ipinaliwanag ni PSC chairman at Asian Games Chief of Mission Ricardo Garcia na may ganito ring problema ang Philippine Tennis Association (Philta) sa lady netter na si Katharina Lenhert na hinihingian din ng Incheon Asian Games organizers ng pruweba ng residency base sa three-year residency na ipinaiiral ng Olympic Council of Asia (OCA) na siyang namamahala sa kompetisyon.
“The international tennis federation has already made a stand that they will follow their own rules on eligibility and not the OCA. That should be the case with FIBA. They should exert pressure on the organizers,” pahayag ni Garcia.
Aalis na patungong Incheon, Korea si Garcia sa Setyembre 10 para dumalo sa Accommodation Meeting sa Setyembre 11 at 12.
Ang SBP officials sa pangunguna ng pangulong si Manny V. Pangilinan ay nasa Spain para suportahan ang Gilas Pilipinas sa ginagawang kampanya sa FIBA World Cup. (AT)
- Latest