^

PM Sports

JRU gustong bumalik sa pakikisalo sa 3rd place

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Babalik uli ang host Jose Rizal University Heavy Bombers sa pakikisalo sa ikatlong puwesto sa pagsukat sa Emilio Aguinaldo College Generals sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon matutunghayan ang bakbakan at ang makukuhang ikapitong panalo matapos ang 11 laro ang magtutulak sa Bombers para makasalo uli sa pahingang Perpetual Help Altas at St. Benilde Blazers.

Sinayang ng tropa ni coach Vergel Meneses ang oportunidad na manatili sa ikatlong puwesto nang matalo sa Letran Knights sa overtime, 77-84 noong Agosto 22.

Dahil dito ay nalaglag ang JRU sa ikalimang puwesto sa 6-4 baraha.

Tinalo na ng Bombers ang Generals sa unang pagtutuos sa dikitang 81-79 iskor at nananalig si Meneses na lalabas uli ang tikas ng mga inaasahang manlalaro sa pangunguna ni Philip Paniamogan para tumibay ang paghahabol ng puwesto sa Final Four.

Hindi nakapasok ang Bombers sa semifinals sa huling dalawang edisyon dahil bumababa ang kalidad ng koponan sa second round.

Magtutuos ang San Sebastian Stags at Mapua Cardinals sa ikalawang laro dakong alas-4 at balak ng una na wakasan ang pitong sunod na kabiguan matapos simulan ang kampanya bitbit ang 3-1 baraha.

May 3-8 karta ang Stags habang ang Cardinals ay may 1-10 karta ngunit ang natatanging panalo na nakuha ng huli ay nanggaling sa Baste sa 89-81 iskor.

 

vuukle comment

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

MAPUA CARDINALS

PERPETUAL HELP ALTAS

PHILIP PANIAMOGAN

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN STAGS

ST. BENILDE BLAZERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with