^

PM Sports

Gold sa Asian Games ang gusto ni MVP

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaunting pahinga lamang matapos ang FIBA World Cup, muling sasabak ang Gilas Pilipinas sa isa pang laban, ang pagnanais na mapanatili ang puwesto sa hanay ng mga Asian elite teams sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 14.

Matapos ang second-place finish sa 2013 FIBA Asia Championship sa Manila, gusto ni Sama-hang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan na makuha ng koponan ang Asiad gold medal bagama’t alam niyang hindi ito madali.

Sa katunayan, nahaharap na ang Gilas sa isang pagsubok bago pa man magtungo sa Incheon.

Para gantihan ang Pinas at muling maaangkin ang Asiad gold na kanilang nakamit sa Busan noong 2002, binubusisi ng South Korea ang mga papeles nina naturalized player Andray Blatche at Fil-Am players Gabe Norwood at Jared Dillinger.

Gusto ng Korea na huwag makapaglaro si Blatche para sa Gilas, habang umaasa naman ang SBP na mapapatunayan nilang ang NBA player ay eligible na maglaro para sa koponan.

Naghanda na ang SBP ng isang position paper na ilalahad ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia, sa kanyang kapasidad bilang chef de mission sa delegation registration meeting sa Incheon sa Setyembre 11.

Habang determinado ang Korea na makuha ang gold medal, hangad ng Iran ang kanilang kauna-unahang ginto at ang China naman ang patuloy na magiging sukatan sa rehiyon.

Nariyan din ang Japan, Qatar, Jordan at Chinese Taipei na seeded na sa main draw kasama ang China, South Korea, Iran at Pilipinas dahil sa pagiging Top Eight sa nakaraang Asian Games sa Guangzhou, China noong 2010.

Kasama ng Gilas Pilipinas sa Group B ang Iran at Kazakhstan. Ang China at Chinese Taipei ay nasa Group C, ang South Korea at Jordan ay kabilang sa Group D at ang Japan at Qatar ay sa Group F.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Group B top qualifier sa Setyembre 23 sa Hwaseong Sports Complex.

Kasunod nito ay ang Iran sa Setyembre 25. Ang Gilas lineup para sa Incheon Asiad ay sina Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Gabe Norwood, Gary David, Jeff Chan, Jared Dillinger, Paul Lee, Jayson Castro at LA Tenorio.

vuukle comment

ANDRAY BLATCHE

ASIAN GAMES

CHINESE TAIPEI

GABE NORWOOD

GILAS PILIPINAS

GROUP B

INCHEON

JARED DILLINGER

SETYEMBRE

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with