^

PM Sports

Sibayan mangunguna sa La Salle kontra sa NU

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magtatapat ang mga wala pang talong De La Salle University at ang National University sa UAAP Sea­son 77 men’s badminton tournament ngayon sa Ri­zal Memorial Badminton Hall.

Kapwa may 5-0 record, ang mananalo sa pagitan ng Green Archers at Bulldogs sa Court 3 sa ganap na alas-9 ng umaga ang makakalapit sa pagdakma sa outright Finals berth bitbit ang ‘thrice-to-beat’ incentive.

Si Gerald Sibayan ang babandera sa La Salle kung saan makakatapat ng dating Rookie of the Year winner si Season 75 MVP Joper Escueta ng NU.

Sa iba pang men’s ties, lalabanan ng nagdedepensang Ateneo ang UE sa Court 2; habang makakatagpo ng UP ang Adamson sa Court 4 at makakasukatan ng Uni­versity of Santo Tomas ang Far Eastern University sa Court 5.

Hangad rin ng University of the Philippines na ma­­kasikwat ng automatic championship berth sa wo­men’s di­vision sa kanilang pagharap sa University of the East sa Court 5 sa ala-1 ng hapon.

Nakasiguro na ang Lady Maroons, ang third placer no­ong nakaraang season, ng tiket sa susunod na round mu­la sa kanilang 5-0 baraha sa pagsagupa sa Lady War­riors.

Sa iba pang aksyon sa women’s class, haharapin ng title­holder na Lady Eagles ang Lady Bulldogs sa Court 2, samantalang makakalaban ng Lady Archers ang Tig­resses sa Court 3 at magkikita ang Lady Tamaraws at Lady Falcons sa Court 4.

vuukle comment

COURT

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERSITY

GREEN ARCHERS

JOPER ESCUETA

LA SALLE

LADY

LADY ARCHERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with