^

PM Sports

Bosh pumirma na ng $118M contract

Pang-masa

MIAMI – Pinirmahan na ni Chris Bosh ang kanyang $118 million, five-year contract para manatili sa Miami Heat nitong Miyerkules, ayon sa team.

Nakipagkasundo na si  Bosh sa Miami noon pang kaagahan ng Hulyo ngunit hindi pa nagpirmahan  dahil nasa mahabang bakasyon ito at kinailangan pang sumailalim sa physical examination bago pumirma.

Ito ang ikalimang season ni Bosh sa Heat. Siya ang unang player na nag-commit sa Heat ngayong summer matapos ihayag ni LeBron James na iiwan na niya ang Miami at babalik na sa Cleveland Cavaliers.

Nagtala si Bosh ng 16.2 points sa 52 percent shooting noong nakaraang season para sa Mia-mi. Kikita siya ng $20.6 million ngayong season at ang kanyang contract ang pinakamalaki kung total value  ang pag-uusapan sa kasaysayan ng prangkisa ng Heat.

vuukle comment

CHRIS BOSH

CLEVELAND CAVALIERS

HULYO

KIKITA

MIAMI HEAT

MIYERKULES

NAGTALA

NAKIPAGKASUNDO

PINIRMAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with