^

PM Sports

Lady Troopers susubukan ng Lady Rising Suns sa V-League

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling masusukat ang tibay ng Army Lady Troopers sa pagharap sa nag­dedepensang Caga­yan Valley Lady Rising Suns sa pagpapatuloy nga­yon ng elimination round ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

May limang sunod na panalo ang Lady Troo­pers ngu­nit mapapalaban sila sa Lady Rising Suns na no­ong nakaraang taon ay hindi natalo sa 16 laro para hiranging kampeon sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s.

Sa ganap na alas-4 ng hapon ang na­sabing tunggalian ma­tapos ang pag­ki­kita sa alas-2 ng hapon ng PLDT Home Telpad Turbo Boosters at Air Force Air Women.

Ikaanim na panalo ang nakataya para sa Turbo Boosters na galing sa pa­na­lo sa National University Lady Bulldogs noong Martes.

Tinalo ang PNP Lady Patrollers noong Martes, ang mga napahingang si­na Rachel Ann Daquis, Jo­velyn Gonzaga at Tina Sa­lak ang makikipagtulu­ngan uli kina Mary Jane Balse, Nerissa Bautista at Ginie Sabas para manati­ling malinis ang baraha sa ligang may ayuda ng Accel at Mikasa.

Palaban din ang Caga­yan na galing sa magkasunod na tagumpay laban sa Lady Bulldogs at Air Women.

Sina Aiza Maizo, Angeli Tabaquero, Pau Soriano, Janine Marciano at Rose Vargas ang mga mag­tutulong para patiki­min ng unang pagkatalo ang Lady Troopers.

Anim na koponan mu­la sa walong naglalaban ang aabante sa quarterfi­nals at pasok na ang Ar­my, PLDT, Air Force at Cagayan, habang isang pa­nalo na lamang ang kai­langan ng mga colle­giate teams na NU at Ate­neo Lady Eagles para uma­bante.

Talsik na ang PNP mula sa kanilang 0-6 ba­raha, habang palaban pa ang UP Lady Maroons (0-5) pero kailangan ni­lang walisin ang nala­labing dalawang laro at manalangin na hindi ma­kuha ng alinman sa Lady Bulldogs at Lady Eagles ang ikatlong panalo para magkaroon ng playoff.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE AIR WOMEN

AIR WOMEN

ANGELI TABAQUERO

ARMY LADY TROOPERS

LADY

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with