^

PM Sports

NBA news-NBA news

Pang-masa

Young pumirma sa Lakers

EL SEGUNDO, Calif. -- Pumirma na si free-agent guard Nick Young ng isang multiyear deal para manatili sa Los Angeles Lakers.

Sinabi niyang natutuwa siyang mapanatili ang isang player na gustong makatulong sa pagpapalakas ng kanilang koponan.

Pinalagda din ng Lakers si free-agent forward Ryan Kelly, nagtala ng mga averages na 8.0 points, 3.7 rebounds at 1.6 assists sa kanyang rookie season.

Hinrich sa Bulls uli

Nagsagawa ng pagbabago ang Chicago Bulls sa kanilang line-up sa hangaring mapalakas ang tsansa para sa Eastern Conference crown.

Inihayag ng Bulls ang pagpirma ni Hinrich sa isang two-year deal na magsisimula sa $2.7 milyon sa susunod na season at kasama ang isang player option para sa ikalawang season.

Kinuha rin ng Bulls si second-round draft pick Cameron Bairstow, ang 49th overall pick.

 

Bonner sa Spurs pa rin

SAN ANTONIO -- Magbabalik ang Red Rocket sa San Antonio. matapos papirmahin si Matt Bonner.

Magbabalik ang veteran sa pang-siyam na season sa San Antonio.

 

Jefferson kinuha ng Mavs

DALLAS -- Pinapirma ng Dallas Mavericks si free agent forward Richard Jefferson bilang posibleng kapalit ni Vince Carter mula sa bench.

Sinasabing isang one-year deal para sa veteran minimum na $1.4 milyon ang nilagdaang kontrata ni Jefferson.

 

Booker pinapirma ng Jazz

SALT LAKE CITY -- Pinalagda ng Utah Jazz si free agent forward Trevor Booker.

Nakita si Booker sa apat na NBA seasons sa Wa-shington at nagtala ng mga averages na 6.4 points at 5.1 minutes sa 235 career games, kasama dito ang 105 starts.

Naglista siya ng mga averages na 6.8 points at 5.3 rebounds noong nakaraang season.

vuukle comment

CAMERON BAIRSTOW

CHICAGO BULLS

DALLAS MAVERICKS

EASTERN CONFERENCE

HINRICH

LOS ANGELES LAKERS

MAGBABALIK

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with