^

PM Sports

Malinis na haharap ang Altas sa Bombers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Itataya ng Perpetual Help Altas ang malinis na karta sa pagsabak sa host Jose Rizal University Heavy Bombers sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi pa natatalo ang Altas sa tatlong laro at ang huling koponan na kanilang pinatumba ay ang Emilio Aguinaldo College General, 73-65, noong Hulyo 11 para sa pinakamagandang start ng koponan sa panahon ni coach Aric del Rosario.

Sa ganap na alas-2:00  ng hapon magsisimula ang engkwentro ng Perpetual at Jose Rizal at sasandal uli ang Altas sa kontribusyon nina Earl Scottie Thompson, Juneric Baloria at Harold Arboleda.

“Sila ang nagdadala sa team pero hindi dapat kami laging umaasa sa kanila lalo na’t kalaban ang JRU na hindi birong kabanggaan,” wika ni Del Rosario.

May 2-3 karta ang Heavy Bombers pero natalo sila sa huling laro laban sa Lyceum Pirates, 80-84.

Ang dapat na paghandaan sa kampo ni coach Vergel Meneses ay ang magandang ipinakikita ng mga beteranong sina Philip Paniamogan at Michael Mabulac na naghatid ng 24 at 20 puntos sa huling labanan.

Mas magiging maba-ngis ang Heavy Bombers kung makukuha uli ni Bernabe Teodoro na nalimitahan lamang sa siyam na puntos sa huling laro.

Ikatlong puwesto ang paglalabanan ng San Sebastian Stags at Arellano Chiefs sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Parehong mataas din ang morale ng magkabilang koponan dahil ang tropa ni coach Topex Ro-binson ay nanaig sa St. Benilde Blazers, 74-72, habang nanaig ang Chiefs sa Mapua Cardinals, 68-63.

Sa  husay nina CJ Perez, Jovit Dela Cruz, Jamil Ortuoste at Bradwyn Guinto sasandal ang Stags habang sina Levi Hernandez, John Pinto at rookie American center Dioncee Holts ang magdadala sa koponan ni rookie Chiefs coach Jerry Codiñera. (AT)

vuukle comment

ALTAS

ARELLANO CHIEFS

BERNABE TEODORO

BRADWYN GUINTO

DEL ROSARIO

DIONCEE HOLTS

EARL SCOTTIE THOMPSON

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERAL

HAROLD ARBOLEDA

HEAVY BOMBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with