^

PM Sports

unang quarterfinals seat kinuha ng Road Warriors

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inangkin ng NLEX ang unang puwesto sa quar­terfinals sa PBA D-League Foundation Cup sa 71-59 panalo sa Jumbo Plastic kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig Ci­ty.

Anim sa walong puntos sa laro ang ginawa ni Rome Dela Rosa sa pi­nakawalang 20-9 palitan matapos ang huling tabla sa laro sa 59-59 upang umabante ang Road Warriors sa 7-0 karta.

Bumaba ang Giants sa 4-2 karta at ininda ang pagbigay ng depensa sa end game para masayang ang magandang laban sa naunang mga yugto.

Si Garvo Lanete ay may 20 puntos, habang si­na Kevin Alas at Jake Pas­cual ay may 14 at 12 pun­tos.

Si Bobby Ray Parks Jr. ay may 9 puntos at 9 rebounds.

May 15 puntos si Jeff Viernes para sa Giants na naisuko ang ikalawang pu­westo sa Cebuana Lhuil­lier na naitakas ang 74-72 panalo sa overtime sa Boracay Rum.

Tig isang tres ang pi­na­kawalan nina James Mar­­tinez at Paul Zamar sa overtime para umangat ang Gems sa 5-1 karta.

Bumaba ang Waves sa 3-3 at kasalo ang Big Chill Superchargers na na­­naig sa Cafe France Ba­­kers, 68-54.

 

vuukle comment

BIG CHILL SUPERCHARGERS

BORACAY RUM

BUMABA

CAFE FRANCE BA

CEBUANA LHUIL

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JAKE PAS

JAMES MAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with