2-0 lead kinuha ng Wizards; Pacers, Raptors tumabla
CHICAGO -- Halos muntik nang makawala sa WaÂshington Wizards ang panalo.
Mabuti na lamang at nandoon si Bradley Beal.
Tumapos si Beal na may 26 points, habang humugot si Nene ng anim sa kanyang 17 points sa overtime para akayin ang Wizards sa 101-99 panalo kontra sa ChiÂcago Bulls at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang first-round series.
Nakatakda ang Game 3 sa Biyernes sa Washington.
“We’ve got to come out like we’re down 0-1 or 0-2,†sabi ni Beal, tumipa ng 11 points sa fourth quarter. “We’ve got to have that sense of urgency and just that drive and that motivation like we did early. We’ve got to be able to maintain that lead. We’ve got to continue to stay poised.â€
Hindi napanatili ng Wizards ang 17-point first-quarter lead at kailangan pang bumalikwas mula sa 10-point deficit sa fourth period.
Kumamada naman si Nene sa overtime matapos maÂbantayan ni Defensive Player of the Year Joakim Noah sa regulation.
Naitakas ng Wizards ang kanilang panalo matapos magmintis si Kirk Hinrich sa foul line sa panig ng Bulls.
Pinamunuan ni D.J. Augustin ang Chicago sa kanyang 25 points bago siya patahimikin ni Trevor Ariza.
Kumolekta si Taj Gibson ng 22 points at 10 rebounds at kumolekta si Noah ng 20 points at 12 boards.
Sa Indianapolis, humakot si Paul George ng 27 points, 10 rebounds at 6 assists at kumamada ang PaÂcers sa second half patungo sa 101-85 pananaig laban sa Atlanta Hawks at itabla sa 1-1 ang kanilang serye.
Kumayod si George Hill ng 15 points sa seÂcond half, habang tumulong naman sa pagdedepensa si George kontra kay Hawks point guard Jeff Teague na nagÂbida sa panalo ng Atlanta sa Game One.
Sa Toronto, rumatsada si DeMar DeRozan ng 30 points at kumolekta si Jonas Valanciunas ng 15 points at 14 rebounds para tulungan ang Raptors sa 100-95 tagumpay laban sa Brooklyn Nets at itabla sa 1-1 ang kanilang serye.
Bago ang kanyang pamamayagpag ay may 14 marÂkers lamang si DeRazon sa 87-94 kabiguan ng ToÂronto sa Brooklyn sa Game One.
- Latest