Para pumuwersa ng ‘winner-take-all’ papasok sa semifinals Painters, Mixers tumabla
MANILA, Philippines - Kapwa bumangon ang No. 4 Rain or Shine at ang No. 6 San Mig Coffee mula sa kabiguan para makapuwersa ng ‘winner-take-all’ sa kani-kanilang best-of-three quarterfinals series.
Giniba ng Elasto PainÂters ang No. 5 Meralco Bolts, 102-93, habang tiÂnalo ng Mixers ang No. 3 at nagdedepensang Alaska Aces, 70-65, sa Game Two sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagposte ang Rain or Shine ng 17-point lead sa halftime bago tuluyang taÂÂpusin ang Meralco sa fourth quarter at itabla sa 1-1 ang kanilang serye.
Isang 16-0 arangkada naman sa fourth quarter ang ginawa ng San Mig Coffee para itabla sa 1-1 ang kanilang duwelo ng Aces.
Kinuha ng Aces ang 57-51 abante sa unang tatÂlong minuto ng fourth quarÂter kasunod ang 16-0 atake ng Mixers para ilista ang 10-point lead, 67-57.
Ang mananalo sa serÂye ng Aces at Mixers ang haharap sa mananaig sa pagitan ng No. 2 San MiÂÂÂguel Beermen at No. 7 Air21 Express para sa best-of-five semis seÂries.
Ibinulsa ng No. 1 Talk ‘N Text ang unang semifinals ticket.
SAN MIG COFFEE 70 -- Pingris 17, Devance 13, Mays 12, Barroca 10, Yap 9, Simon 4, Sangalang 2, Reavis 2, Mallari 1, Melton 0.
Alaska 65 -- Dozier 22, HonÂtiveros 16, Baguio 7, Casio 6, Jazul 6, Abueva 4, Thoss 3, Manuel 1, Reyes 0, Dela Cruz 0, Espinas 0.
Quarterscores: 12-16; 24-36; 49-50; 70-65.
RAIN OR SHINE 102 -- Chism 26, Araña 12, Norwood 11, Cruz 10, Tang 10, Lee 8, Tiu 6, Belga 4, Ibañes 4, Rodriguez 4, Chan 3, Almazan 2, Nuyles 2, Teng 0.
Meralco 93 -- Jackson 21, David 19, Salvacion 18, Wilson 9, Hodge 7, Hugnatan 6, Timberlake 4, DillinÂger 4, Caram 3, Sena 2, Ildefonso 0, Guevarra 0.
Quarters: 22-18; 49-34; 77-66; 102-93.
- Latest